Home / Sections / Dear Tita EZA / Secret Love

Secret Love

pacita-ramiro-pacis

By: Pacita Pacis

 

Dear Tita Eza:

“Bilisan mong umuwi para makausap mo ang Daddy mo,” sabi sa sulat ng Inay, at binilisan ko nga ang pagasikaso ng aking passport. Di pa naman masyadong matanda ang Itay, kaya lang dinapuan din ng the Big C.

Ang Daddy kong Dr. Benjamin Estrada,Sr. na yata ang pinakaperpektong ama sa buong mundo.Bukod sa me itsura-TDH, tall dark and handsome,-kumikislap ang kanyang mga mata, tila nag-uusap, matalino na, mabait pa. Principal siya sa malaking High School sa amin,tinitingala at iginagalang. Sumusulat pa siya sa weekly vernacular magazine sa amin, at maliban sa citations niya as a writer sa Municipal/Provincial/Regional levels, marami pa siyang awards bilang Outstanding Family,o sa kanyang pagiging community service benefactor. Sabi ko sa sarili ko,baka nga akong tinuturingang tatanggap ng Award sa Region.

Ako lang kasi ang ka-isa-isang anak na lalaki, Ben, Jr., nga pero mas nakuha ko ang kutis ng mestisahin kong Nanay. Apat ang utol kong mga babaeng naging active din sa community service bago sila lumagay sa tahimik. All of them are now happily married sa Pinas, ang base nilang lahat, ako lang napadpad dito sa Amerika dahil sa scholarship ko sa Los Banos. Horticulturist ako sa Orchidarium sa Villa Park, IL.

Noong una, enjoy na enjoy ako sa aking freedom, kaya lang naglaon, nalulungkot akong mag- isa. Nami- miss ko na ang mga kapatid ko at wish ko sana magkaroon ng kapatid na lalaki, na puede sanang kasama sa flat ko sa Des Plaines. Masarap din sana kung me kasama-sama akong manood sa United Center o di kaya sa Wrigley Field. Beinte- tres anyos pa lang ako, ayoko pang matali habang buhay;at least, not yet. Gusto ko, company lang, for companionionship kung baga.

Awa ng Dios, di pa naman malala si Dad na nadatnan ko. Hiniling niya na kami lang dalawa ang mag-uusap.Tuwang-tuwa naman ako, pero medyo kinakabahan. Me ipinakita siyang ID photo ng isang binatilyong mas bata sa akin, at hindi lang medyo aking kahawig, kahawig talaga! Me kahalip na address.Aniya, pagbalik ko sa Chicago, stop-over daw ako sa Hawaii at hahanapin ko ‘to…….

Bumagsak sa akin ang langit! Bagsak lahat ang aking matataas na tingala at pag-galang sa aking ama.Gusto ko siyang sumbatan, ngunit nawalan ako ng lakas,at bigla ko na lang nayakap at sabay kaming dalawang naghagulgulan…..” Alam ni Mommy?” natanong ko na lang. Di na namin ito pinag-usapang muli. Ang inatupag namin ang kalusugan ni Itay.Unfortunately, di siya naka- survive.

Na- bring out uli ang naturang topic noong pabalik na ako sa Amerika.”Lately ko nga ring nalaman,kaya kita pinatawag. Gusto ng Daddy mon a magkaroon ka noon ng baby brother kaya lang due to my high blood pressure, the doctor advised me against further pregnancy, baka daw ma- eclamsya,” paliwanag ni Inay. “Kilala mo si Manang mong Perla?”, tanong sa akin, at sagot ko naman, eh sino’ng hindi nakakakila sa sekretarya ni Dad?

“Hindi nagkulang sa atin ang Daddy niyo. Bigay din niya sa akin ang aking kailangan- damit, bag, sapatos, alahas, whatever.Ang pinagtataka ko lang noong pumunta akong minsan sa office, pareho kami ng blouse ni Perla! Kaya lang di ko ‘to binigyan ng kahulugan dahil patok na patok noon ang SM Megamall. Minsan na naman, pareho kami ng bag! Di ko pa rin ito binigyan halaga. Pero minsan na naman, nakapulot ako ng paris ng hikaw sa upuan ng Willy’s jeep ng Dad mo. Tsinek ko agad ang earring set ko, complete naman; di man pala akin! Mag-alburuto na sana ako, pero tamang-tama, year-end closing ng mga eskuwelahan, pa-bakasyon daw si Perla sa Palawan, kung saan nandun ang isa niyang tiyahin. Sa opening ng classes, di na siya bumalik…….’ Kala ko end of story.

Nakakuha pala siya ng souvenir sa Daddy mo! Tamang -tama naman na nagbakasyon sa Palawan ang isang friend ng tiyahin niya na dating miembro ng Green Berets. Ang istorya niya, sa isa nilang encounter ay natamaan ng bala at di na raw siyang puedeng magkaroon ng supling. Noong nameet niya si Perla,inangkin niya ‘to, pati ang baby, in-adopt, dinala sa Hawaii, itinuring na tunay na anak, at pinag-aral. Sa kasamaang-palad, nagkasakit din ang beterano, hindi naka-survive. Sumunod si Perla. Totally orphaned na ang binatilyo. Tagapagmana.”

Sa address na binigay ni Dad, sinalubong ako ng isang Tall, Dark and Handsome na lalaki, ang aking step-brother na puede pang masabi na mas Ben,Jr. keysa akin. At ang una kong napuna sa kanya ay ang kislap ng mga mata ng Daddy kong the late Dr. Benjamin Estrada,Sr.!

Tita Eza, mapapatawad ko kaya ang Mama Perla niya? Gumagalang, Benjie Estrada ——

Dear Benjie, Meron akong napanood na magandang movie ni Clare Danes, “Evening,” kung saan sinabi niyang, ” There are no mistakes in life. At the end, everything will turn out right.” Anong malay mo, ikaw pa mag- profit from the mistakes of others!

Nagmamahal, Tita Eza

Back in the Philippines, Pureza Pacis used to be a social worker, high school teacher, elementary grades teacher, all rolled into one. An ABSW ‘61 graduate from the University of he Philippines (UP, she retired from the Department of Social Welfare and Development in 2005. From Vintar, Ilocos Norte, she has since been residing in Chicago with hubby Nick for nine years now.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top